Select Page


Because of a lot of people are requesting that I write in Tagalog, I’ll be giving in this time considering that tomorrow is the commemoration of the Araw ng Kagitingan, or Day of independence. I also wanted to show, through this blog, Tagalog, or English, that beyond all the glitz and glamour of cars, beyond all the parts, and the stereotype closely attached to motorsports, that there’s a brain behind all of this. And a heart that can speak clearly and can relate through humor, sarcasm, truth or plain experience. Its also a salute to all my beloved Filipino teachers in gradeschool and highschool whom I learned so much from, they taught from the heart, thank you… Except the one in college who kept on collecting money for his “special projects” =P
Nuong isang Byernes ay maaga ako nakauwi sa bahay dahil sa inspekyon na aking ginawa sa shop na malapit sa aking tinitirhan. Naisipan kong maglinis muna ng sasakyan para pagpawisan naman, at matapos nito ay ginamit ko ang aking bisikleta, isang mountainbike na biniili ko sa isang matalik na kaibigan na nagpaparating nga mga makina galing Japan. Oo, super-gaan ng bisikleta kung nais mo tanungin., Nagikot-ikot ako sa village, at makalanghap ng sariwang hangin, lalo’t kakatapos lang ng ulan at konting bagyo. Nakaksawa na kase mag jogging sa Ateneo, panay puno at pari nalang ang aking nakikita. Peace!
Ang composisying ito at nais ko tawagin na: Proyekto. Ano ba ang iyong proyekto? Ito ba ay isang Lancer? Isang Nissan Sentra na sinasali sa mga sound competition? Isang Nissan Silvia na pang drift? Ang paboritong Honda Civic o di kaya isang Jazz? Naisip ko ito dahil sa pagiikot ko sa aming village, ay nakita ko ang mga ibat-ibang proyektong kotse na matagal ko nang hindi nakita, ay ngayon ay sa wakas ay nabuo na din o kung titignan mo ay mas maganda o kompleto na.
Marami ako nakita ngunit ang mga nakatawag pansin sa akin at ang mga sumusunod. Ang EG hatch ng kinaiinisan kong tao, na laging nambabalya sa akin sa basketball nuong maliliit pa kami. Nangangalabaw, naniniko at marami pang iba, ang EG niya ay mayroong Spoon setup, malinis at simple lang. Pitong taon nung una ko ito nakita ay naka TRD mags ito, at medyo masakit sa mata, ngayon, all Spoon Yellow, may nasilip din ako Spoon caliper at Ce28s. Nakita ko din ang 240sx ng aking kapitbahay sa kabilang kanto, nagsimula ito bilang isang Garage queen na minsan lang paandarin, at pumapalya pa. Basag ang mga ilaw, bugbog ang kaha, ngunit kung iisipin mo, kahit sa panahon na iyon, ay nakikita mo na kung gaano kalaki ang potensyal ng proyektong iyon. Alam mo na ang tuning scene ay punong puno ng mga Honda, at kapag nabuo mo ang 240sx na yan ay sigurading angat ka. Huli ko nakita ang kotse niya nung 2005, at ngayon, ay kinulayan niya ng silver, naka-coilovers sa tingin ko, staggered Work Meisters, Bride seats, yun lang ang aking natanaw. Sa tingin ko ay masaya naman siya sa kinalabasan ng kanyang proyekto. Nakita ko din ang Lancer itlog ng kabitbahay naming na mahilig manligaw, lahat ata ng babae sa village namin ay nilagawan niya, pati na din ang mga katulong. Nagsimula lamang yan maraming taon ang nakalipas sa isang muffler at isang damukal na Ralliart and 5zigen stickers, ngayon, kulay puti na siya at bunuo niya ito bilang isang Evo 1, sa tabi nito ay isang real Evolution 8. Sarap!
Ang progreso ng ating mga projekto ay kasabay ng progreso ng ating buhay. Kaya nga may mga proyekto tayo na di madaling bitawan, di madaling pakawalan. Napapamahal sa atin ang ating mga sasakyan, sa hirap at ginhawa, ng manalo kayo ng barkada niyo sa basketball league, o nuong nakipaghiwalay sa iyo ang iyong girlfriend at hinataw mo ang iyong kotse pauwi, o nuong bumaha sa Espana at napilitan ka na iparada ang iyong sasakyan sa mataas na lugar at doon magpalipas ng gabi, o di kaya, sa pinakasimleng salita, isang sasakyan kung saan ibinuhos mo lahat, higit sa pera, ang pagod, hirap at mga ideya.
Hihipuin ang makinis na kaha bago matulog sa gabi, pagmamasdan ng ilang minuto, wari’y nakatingin din sya sa iyo, nagpapasalamat, sa maraming taong pag-aaruga.